Month: June 2022

Tughan Elementary School, Brgy. Tughan, Juban SorsogonBilang agarang saklolo at pag-alalay para sa mga biktima ng pagputok ng Mt. Bulusan nuong June 5, inuna ng AGRI Partylist ang pagsiguro ng supply ng malinis at maiinom na tubig, at medical assistance para sa 119 na pamilyang lumikas mula sa Brgy. Puting Sapa. Naglagay ng pansamantalang Medical Center ang AGRI Partylist kung saan may nakahandang nebulizers at nebulizing solutions para sa mga nagka asthma dahil sa alikabok at abo; gamot sa hypertension, allergy at lagnat. Maraming salamat sa mga youth volunteers ng Youth AGRI na patuloy na hindi napapagod sa pagseserbisyo sa kanilang kapwa. Maraming salamat din sa mga medical youth volunteers sa pagbahagi ng kanilang kaalaman sa pagtulong sa mga naapektuhan ng sakuna.

Share on facebook Facebook Share on twitter Twitter Share on linkedin LinkedIn Share on pinterest Pinterest Contact Us Primark Center Quezon Ave. Corner Araneta Ave., Quezon info@agripartylist.com 0948-311-1111 Direct connect: Official Email Facebook Send us a Message

Tughan Elementary School, Brgy. Tughan, Juban SorsogonDahil sa kontaminasyon ng mga lokal na water sources, tubig na maiinom ang isa sa pinaka kritikal na pangangailangan sa munisipalidad ng Juban, Sorsogon. Tubig at industrial-grade Dust Masks ang mga agarang relief supplies na inihatid ng AGRI Partylist para sa mga evacuees. Maraming salamat sa mga lider at volunteers ng Youth AGRI Sorsogon City, Irosin at Juban Chapters sa mabilis na pagkalap ng impormasyon tungkol sa mga nasalanta at sa masipag na pagdidistribute ng mga kinakailangang supplies sa mga nangangailangan.

Share on facebook Facebook Share on twitter Twitter Share on linkedin LinkedIn Share on pinterest Pinterest Contact Us Primark Center Quezon Ave. Corner Araneta Ave., Quezon info@agripartylist.com 0948-311-1111 Direct connect: Official Email Facebook Send us a Message

Juban Municipal Gymnasium, Juban Sorsogon 10 PM: Maliban sa main evacuation center, mayroon ding 13 na pamilyang taga Brgy. Puting Sapa ang pansamantalang tumira sa mga tent sa public gymnasium ng Juban. Binisita din sila ng AGRI Partylist kasama ang youth medical volunteers na nagcheck-up sa mga apektadong residente. Binigyan din sila ng mga agarang supply ng maiinom na tubig at dust masks.

Share on facebook Facebook Share on twitter Twitter Share on linkedin LinkedIn Share on pinterest Pinterest Contact Us Primark Center Quezon Ave. Corner Araneta Ave., Quezon info@agripartylist.com 0948-311-1111 Direct connect: Official Email Facebook Send us a Message

Brgy. Burubaran, Juban, SorsogonHindi lahat ng pamilya ay nagawang lumikas sa mga evacuation centers. Ang iba ay may mga iniingatang matatanda at sanggol. Mayron din kailangang bantayan ang kanilang mga alagang hayop sa kabila ng makapal na alikabok at abo. Sila ang direktang inabot ng AGRI Party-list para sa relief operation ngayong araw. Maliban sa supply ng kinakailangang tubig at dust masks, binigyan din ng mga gamot ang mga nangangailangang indibidwal upang maiwasan na lumama ang kalagayan ng kanilang mga pamilya.

Share on facebook Facebook Share on twitter Twitter Share on linkedin LinkedIn Share on pinterest Pinterest Contact Us Primark Center Quezon Ave. Corner Araneta Ave., Quezon info@agripartylist.com 0948-311-1111 Direct connect: Official Email Facebook Send us a Message

Brgy. Buraburan, Juban, Sorsogon Bilang pagsiguro ng sapat na supply ng malinis na tubig, nagtalaga ng pick up areas ang AGRI Partylist sa Brgy. Buraburan sa munisipalidad ng Juban kung saan maaaring makakuha ng tubig na maiinom, dust masks, at kinakailangang gamot ang mga residenteng hindi nakalikas.