Month: October 2022

Ang MassKara Festival ay tampok sa tinataguriang ‘City of Smiles’ na lungsod ng Bacolod na itinuturing din na sentro ng industriya ng asukal sa bansa. Ang festival ng MassKara ay kilala sa pagamit ng mga nakatawa at masasaya na maskara. Ang Masskara Festival ay orihinal na ginawa upang magsilbing pampataas ng moral at pambuhay sa kalungkutan ng mga mamamayan ng Bacolod – dahil noong taong 1980, dalawang trahedya ang tumama sa kanila. Una, ang aksidenteng salpukan ng isang passenger ferry na MV Don Juan, at isang oil tanker kung saan higit isang libo ang namatay; at pangalawa, ang pagbagsak ng presyo ng asukal na malaki ang epekto sa kanilang pangunahing kabuhayan.

Facebook Twitter LinkedIn Pinterest

Ipinagdiriwang ng ating mga kababayan sa Castilla, Sorsogon ang Unod Festival bilang pasasalamat sa masaganang ani ng mga root crops tulad ng kamoteng kahoy, kamote, gabi, iba pa. Ito rin ay selebrasyon kung saan binibigyang pagkilala at pagpapahalaga ang ating mga masisinop na magsasaka at mag bubukid sa kanilang malaking kontribusyon sa sektor ng agrikultura. Happy Unod Festival! Nawa’y ang masaganang ani sa inyong lugar ay magpatuloy!

Facebook Twitter LinkedIn Pinterest

Ang sakit na cancer ang isa sa pinakamapaminsalang sakit na tumatama sa isang tao; at ang breast cancer o kanser sa suso naman ang pinaka pangkaraniwang uri ng kanser sa mga kababaihan. Sa katunayan, tatlo sa bawat 100 na Pilipina ang masusuri na mayroong breast cancer sa kanilang buhay. Inilaan ang buwan ng Oktubre bilang Breast Cancer Awareness Month upang magbigay kamalayan sa sakit na ito at bigyang diin ang kahalagahan ng regular na self-breast examination at screening sa espesyalista para sa maagang deteksyon at agarang paggagamot. “There is a CAN in cancer because you can beat it!”

Facebook Twitter LinkedIn Pinterest