Our Activities
Previous Activities

Sa pagtatanong ni AGRI Party-list Rep. Wilbert T. Lee sa budget hearing ng DA ngayong araw, inusisa niya kung anong support services ang ipinagkakaloob ng ahensya, at magkano ang napupunta sa farm inputs na mabilis dapat nabibigay sa mga mangingisda at magsasaka. Tinalakay din ni Cong. Wilbert Lee ang pag-modernisa sa RSBSA, dahil maraming problema dito ang inilalapit sa kanya na dapat tugunan agad.

Facebook Twitter LinkedIn Pinterest

Show More »
Previous Activities

Nagsagawa ng proyektong pangkabuhayang ‘AGRIponics’ ang mga Youth AGRI sa Barangay Santa Misericordia sa bayan ng Sto. Domingo, Albay. Ang ‘AGRIIponics’ ay hango sa mga salitang ‘agriculture’ at sa ‘hydroponics’ o ang estilo ng paghahalaman na hindi gumagamit ng lupa sa pagtatanim. Ang proyektong ito ay gumagamit ng Kratky Hydroponic System. Ang sistemang ito ay isa sa pinakasimple at pinakamadaling pamamaraaan ng hydroponics.

Facebook Twitter LinkedIn Pinterest

Show More »
Previous Activities

Kasabay sa programa ng pagkakaroon ng community vegetable garden sa kanilang lugar, naglungsad ng proyekto ng pag-gawa ng Carbonized Rice Hull (CRH) ang Youth AGRI – Sto Domingo sa probinsya ng Albay, kasama ang patnubay ng AGRI Leaders at ni Cong. Wilbert Lee. Ang Carbonized Rice Hull ay organikong pataba na maaaring gamitin sa pagpapaganda ng kalidad ng lupa at pagpapadami ng ani ng mga halamang gulayin.Layunin ng Youth AGRI na mahikayat ang mga kabataan sa pagtatanim at iba pang proyektong pang agrikultura. Parte ang kabataan sa long term na mga inisyatibo ng AGRI Partylist upang masiguro ang kinabukasan ng industriya ng agrikultura ng ating bansa.

Facebook Twitter LinkedIn Pinterest

Show More »
Previous Activities

Cong. Wilbert Lee, tiwala sa liderato ni Usec. Vergeire pero nilinaw kung may limitasyon sa pagiging OIC ng DOH. BASAHIN:Sa budget briefing ng DOH, ipinahayag ni AGRI Party-listCong. Wilbert Lee ang suporta nya sa pamumuno ni Usec. Rosario Vergeire. Pero gustong makasiguro ng mambabatas na walang naaapektuhang serbisyo sa pagiging OIC lang. Sinabi naman ni Usec. na 100% siyang nakatutok sa tungkulin, at hindi ito makakaapekto sa kanyang pamumuno.

Facebook Twitter LinkedIn Pinterest

Show More »
Previous Activities

Sa budget briefing ng DoTR, pinababalik ni AGRI Party-list Rep. Wilbert T. Lee ang P12-B budget para sa Libreng Sakay program at P6.8-B budget sa pagtatapos ng backlog sa license plates na matagal nang naudlot ang pamimigay.Sinabi mismo ng DoTR na walang katumbas ang benepisyong hatid ng Libreng Sakay, habang makakatulong naman ang pag-address sa backlog sa licence plate para masugpo ang mga krimen tulad ng kidnapping.

Facebook Twitter LinkedIn Pinterest

Show More »

Most Popular:

VIVA LA VIRGEN!Ang Fluvial Procession sa Naga River ay ang tulong-tulong na paghila ng pinagkabit-kabit na maliliit na bangka sa pagoda ng imahe ni Inang Peñafrancia, ang Patron ng Bikolandia, ng mga debotong nananalangin at nagpapanata. Nagsimula ang debosyon sa Inang Penafrancia noon pang 1710 nang dahil kay Miguel Robles de Covarrubias, anak ng isang opisyal ng Espana. Nang nagkasakit ito, nanalangin ang kanilang pamilya sa Birhen ng Penafrancia at nangakong kapag ito ay gumaling, magpapagawa sila ng dambana (shrine). Gumaling si Covarrubias at naging isang pari sa Naga City. Ang tradisyon ng Traslacion at Fluvial Procession naman ay nagsimula noong September 1, 1864 nang ginawang institusyunal ang selebrasyon ng mga prosisyon na ito ng simbahan sa tulong ni Bishop Francisco Gainza upang lalong mapalaganap ang debosyon sa Our Lady of Penafrancia. Happy Peñafrancia Festival Bicolandia!

Read More »

Contact Us

Direct connect:

Send us a Message