Kaninang umaga, naramdaman sa iba’t ibang panig ng bansa ang malakas na lindol. Muli po naming ipinapaalala mga ka-AGRI, ang kahalagahan ng ibayong paghahanda sa panahon ng sakuna.Hinihikayat po natin na maghanda ang bawat pamilya ng kanilang sariling ‘Go-Bag.’Ang ‘Go-Bag’, o ‘survival kit’, ay mga pangunahing pangangailangan sakaling magkaroon ng sakuna tulad ng lindol, bagyo o pagputok ng bulkan. Laging tandaan mga ka-AGRI, walang pinipiling panahon o oras ang sakuna kaya dapat lagi tayong mag-ingat, maging alerto at handa.

296157279_169054242313780_1482378910736786499_n
Facebook
Twitter
LinkedIn
Pinterest