Nagtungo si AGRI Party-list Cong. Wilbert Lee sa Tabaco South Central Elementary School kaninang umaga upang makiisa sa Brigada Eskwela. Nagkaloob ang AGRI ng mga pintura at school supplies para sa kanilang paghahanda sa pasukan. Nag-ikot din si Cong. Lee at natuwa nang makita ang gardening na isinusulong ng mga guro at estudyante sa paaralan.
- By admin
- August 23, 2022
- 12:40 pm

Facebook
Twitter
LinkedIn
Pinterest
NextNang nakalipas na linggo, nakiisa ang AGRI Partylist sa isang Agricultural Forum na ginanap sa Oas Community College sa munisipalidad ng Oas, sa probinsya ng Albay. Sa ginanap na AGRI Forum, binigyang pagkakataon ni Cong. Wilbert Lee ang mga myembro ng agricultural sector na direktang maibahagi ang kanilang mga saloobin, opinyon at mga hinaing tungkol sa mga isyu na hinaharap sa industriya ng agrikultura. Ang direktang pakikipanayam sa mga mangagawa sa bukid ay isa sa mga paraan upang malaman ang tunay na sitwasyon at mga pagsubok na hinaharap ng ating mga farmers. Tanging sa pagunawa sa tunay na mga problema lamang makakagawa ng tamang mga solusyon na papakinabangan ng mga mangagawa sa sektor ng agrikultura. Ang kanilang boses ay mahalaga para maisakatuparan ang pangarap na food sufficiency para sa bansa.Next