Nang nakalipas na linggo, nakiisa ang AGRI Partylist sa isang Agricultural Forum na ginanap sa Oas Community College sa munisipalidad ng Oas, sa probinsya ng Albay. Sa ginanap na AGRI Forum, binigyang pagkakataon ni Cong. Wilbert Lee ang mga myembro ng agricultural sector na direktang maibahagi ang kanilang mga saloobin, opinyon at mga hinaing tungkol sa mga isyu na hinaharap sa industriya ng agrikultura. Ang direktang pakikipanayam sa mga mangagawa sa bukid ay isa sa mga paraan upang malaman ang tunay na sitwasyon at mga pagsubok na hinaharap ng ating mga farmers. Tanging sa pagunawa sa tunay na mga problema lamang makakagawa ng tamang mga solusyon na papakinabangan ng mga mangagawa sa sektor ng agrikultura. Ang kanilang boses ay mahalaga para maisakatuparan ang pangarap na food sufficiency para sa bansa.

299877504_174047258481145_7591499395778909229_n
Facebook
Twitter
LinkedIn
Pinterest