admin

VIVA LA VIRGEN!Ang Fluvial Procession sa Naga River ay ang tulong-tulong na paghila ng pinagkabit-kabit na maliliit na bangka sa pagoda ng imahe ni Inang Peñafrancia, ang Patron ng Bikolandia, ng mga debotong nananalangin at nagpapanata. Nagsimula ang debosyon sa Inang Penafrancia noon pang 1710 nang dahil kay Miguel Robles de Covarrubias, anak ng isang opisyal ng Espana. Nang nagkasakit ito, nanalangin ang kanilang pamilya sa Birhen ng Penafrancia at nangakong kapag ito ay gumaling, magpapagawa sila ng dambana (shrine). Gumaling si Covarrubias at naging isang pari sa Naga City. Ang tradisyon ng Traslacion at Fluvial Procession naman ay nagsimula noong September 1, 1864 nang ginawang institusyunal ang selebrasyon ng mga prosisyon na ito ng simbahan sa tulong ni Bishop Francisco Gainza upang lalong mapalaganap ang debosyon sa Our Lady of Penafrancia. Happy Peñafrancia Festival Bicolandia!

Facebook Twitter LinkedIn Pinterest

ALAM NYO BA? Sa bisa ng Proclamation No. 244, ipinagdiriwang mula Septyembre 17 hanggang 22 ang “World Clean and Green Week” kung saan ating ipinapakita at itinatampok ang pagsisikap ng bawat Pilipino sa pamamagitan ng iba’t-ibang aktibidad upang mabawasan ang basura at maiwasan na rin ang matinding polusyon sa ating kapaligiran. Mga ka-AGRI, sa simpleng pag pulot lamang ng basura ay isang malaking bagay para ang malinis at maayos na paligid ay ating makamtan.

Facebook Twitter LinkedIn Pinterest

Cong. Wilbert Lee, tiwala sa liderato ni Usec. Vergeire pero nilinaw kung may limitasyon sa pagiging OIC ng DOH. BASAHIN:Sa budget briefing ng DOH, ipinahayag ni AGRI Party-listCong. Wilbert Lee ang suporta nya sa pamumuno ni Usec. Rosario Vergeire. Pero gustong makasiguro ng mambabatas na walang naaapektuhang serbisyo sa pagiging OIC lang. Sinabi naman ni Usec. na 100% siyang nakatutok sa tungkulin, at hindi ito makakaapekto sa kanyang pamumuno.

Facebook Twitter LinkedIn Pinterest