Sa pagtatapos ngayong araw ng 3 days Executive Course on Legislation (ECL) sa Batasang Pambansa, tinanggap ni Cong. Wilbert Lee kay incoming Speaker Ferdinand Martin Romualdez, House Secretary General Llandro “Dong” Mendoza at University of the Philippines-National College of Public Administration and Governance (UP-NCPAG) Dean Dan Saguil ang kanyang Certificate of Completion. Ang nasabing ECL ay magbibigay kay Congressman Lee ng sapat na kaalaman upang magampanan nya ng maayos ang kanyang tungkulin bilang isang mambabatas at kinatawan ng mga nasa sektor ng Agrikultura. Kasama din ni Congressman Wilbert T. Lee na tumanggap ng kanyang Certificate ang kanyang may bahay na si Kagalang galang Delph Gan Lee.

Facebook Twitter LinkedIn Pinterest