Day: August 4, 2022

Masayang pagbati para sa mga Academic Achievers na myembro ng local chapters ng Youth AGRI sa probinsya ng Catanduanes!Ikinararangal ng AGRI Partylist na maging bahagi kayo ng mga programa at inisyatibong nagpapabuti sa sektor ng agrikultura. Natutuwa kami na ang inyong taglay na talino ay ginagamit ninyo sa kabutihan hindi lamang sa inyong paaralan kung hindi na din sa inyong mga lokal na komunidad.Sa pangunguna ni Cong. Wilbert Lee, congratulations sainyo mula sa AGRI Partylist.

Facebook Twitter LinkedIn Pinterest

Nakiisa si AGRI Party-list Cong. Wilbert Lee sa Simbayanihan Planning Session kagabi (Agosto 2). Sa pangunguna ng Simbahang Katolika, inilunsad ang Simbayanihan upang itaguyod ang mabuting pamamahala at aktibong partisipasyon para tiyaking natutugunan ng mga nahalal na lider ang pangangailangan ng mamamayan. Sa pangunguna ni Cong. Lee, tuloy-tuloy ang koordinasyon ng AGRI at ng Simbayanihan sa pagpapabuti sa kapakanan ng ating mga magsasaka at mangingisda.

Facebook Twitter LinkedIn Pinterest

Congratulations sa mga myembro ng Youth AGRI sa probinsya ng Masbate na itinanghal bilang Academic Achievers sa nakalipas na academic year! Kayo ay karangalan hindi lamang ng inyong mga pamilya pati na rin ng organisasyon ng AGRI Partylist. Ang inyong dedikasyon na gumawa ng mahusay at magaling, hindi lamang sa inyong pag-aaral bagkos pati sa mga programang nakatutulong sa inyong mga munting komunidad, ay inyong ipagpatuloy. Kayo ang tunay na pag-asa ng bayan at ng inyong mga pamilya. Sa pangunguna ni Cong. Wilbert Lee, congratulations sainyong lahat mula sa AGRI Partylist.

Facebook Twitter LinkedIn Pinterest