Day: August 11, 2022

Bago magsimula ang paparating na academic year, nais ipaabot ng AGRI Partylist sa pamumuno ni Cong. Wilbert Lee ang masayang pagbati sa mga Academic Achievers na myembro ng Youth AGRI sa iba’t-ibang municipal and city chapters sa Bicol. Ang mga nasa larawan ay karagdagang youth leaders na hindi napasama sa aming nakaraang post. Karangalan ng AGRI Partylist ang mataas na kalidad sa talino at dedikasyon sa pagsisilbi sa hanay ng aming youth volunteers. Mabuhay kayo and keep up the good work!

Facebook Twitter LinkedIn Pinterest

Dumalo si AGRI Party-listCong. Wilbert Lee sa ginaganap ngayong Organizational Meeting of the North Luzon Growth Quadrangle Committee of the 19th Congress. Nagkaroon ng briefing ang DPWH sa naging epekto ng malakas na lindol sa North Luzon Growth Quadrangle (Region 1, 2 at CAR). Magbibigay din ang DepEd Philippines ng briefing ukol sa kanilang paghahanda para sa face to face classes sa nasabing mga rehiyon.

Facebook Twitter LinkedIn Pinterest

Kasalukuyang nasa presscon si AGRI Party-listCong. Wilbert Lee kasama ang iba pang miyembro ng minority block sa Kongreso. Tinalakay dito ni Cong. Lee ang kanyang panukalang batas House Bill No. 2879 o Rental Housing Subsidy Act, at House Resolution No. 89 na nananawagan sa DSWD para maidagdag sa listahan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries ang mga magsasaka at mangingisda.

Facebook Twitter LinkedIn Pinterest