Day: August 13, 2022

Kahapon, August 10, nakiisa ang Youth AGRI – Sto. Domingo Chapter sa Brigada Eskwela 2022 Program ng Sto. Domingo Central School sa probinsya ng Albay.Bilang tugon sa temang “Brigada Eskwela: Tugon sa Hamon ng Ligtas na Balik-Aral”, boluntaryong nakiisa ang mga myembrong youth leaders sa paglilinis at paghahanda ng pampublikong paaralan para sa darating na pasukan. Ang kanilang partisipasyon ay bilang pagtugon sa paniniwala na bahagi ang pagsisilbi sa kanilang responsibilidad sa komunidad; pagsiguro sa malinis at ligtas na kapalibutan ng paaralan, at para na rin sa pagpapataas ng moral ng mga guro at ng mga mag-aaral.

Facebook Twitter LinkedIn Pinterest

Sa araw na ito karaniwang sinisimulan ang pagdiriwang sa lungsod ng Legazpi ng Ibalong Festival. Ang kasiyahan na ito ay hango sa epikong kuwento ng Ibalon. Ang salitang ‘Ibalon’ ay ang lumang pangalan o tawag sa Bicol.Ang epiko ng Ibalon ay tungkol sa tatlong mandirigmang bayani na sina Baltog, Handiong at Bantong na nagligtas at nagpalaya sa Ibalong sa kuko ng mga halimaw. Hangad namin na muling masilayan ang kulay at saya sa pagbabalik ng selebrasyong ito sa darating na mga taon.

Facebook Twitter LinkedIn Pinterest

Malugod na nakikiisa ang AGRI Partylist, sa pangunguna ni Cong. Wilbert Lee, sa selebrasyon ng Linggo ng Kabataan 2022! May tema na “Intergenerational Solidarity: Creating a World of All Ages”, ang selebrasyong ito ay binibigyang diin ang pagkakaroon ng pagkakaisa ng bawat isa anuman ang edad. Ang pag respeto sa ideya at karanasan ng bawat indibidwal sa kabila ng edad ay susi sa mas malawak na pagkakaunawaan. Ang AGRI Partylist ay lubos na nagpapasalamat sa kontribusyon at partisipasyon ng kabataan sa ating komunidad. Nawa’y patuloy kayong maging aktibo at makilahok sa pag papa-unlad ng bansa sa inyong sariling pamamaraan.Padayon at Mabuhay kayo!

Facebook Twitter LinkedIn Pinterest