Month: August 2022

Nakikidalamhati ang AGRI Party-list at si Cong. Wilbert Lee sa pagpanaw ni dating Pangulong Fidel V. Ramos. Sa ilalim ng kanyang administrasyon, isinulong niya ang sustainable development at pagbibigay-lakas sa manggagawa sa sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng mga programang Grains Productivity Enhancement Program, Gintong Ani at Key Commercial Crops Program. Pagpupugay at pasasalamat sa isang magiting na sundalo, lingkod-bayan, Pangulo, Pilipino.

Facebook Twitter LinkedIn Pinterest

Magandang araw, mga ka-AGRI! Tuwing buwan ng Agosto ay ating ginugunita ang Buwan ng Wikang Pambansa.Ang tema ngayong taon ay “Filipino at mga Katutubong Wika: Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha.” Ang temang ito ay nagnanais ipinamamalas ang pag papahalaga, pagkilala at pagpupunyagi sa makulay na kasaysayan ng mga katutubong wika sa ating bansa. Tangkilikin at mahalin natin ang ating mga katutubong wika sapagkat ito ang magiging daan sa pagkakaunawaan, pagkakaisa at pag unlad ng bansa.

Facebook Twitter LinkedIn Pinterest