admin

Ang sakit na cancer ang isa sa pinakamapaminsalang sakit na tumatama sa isang tao; at ang breast cancer o kanser sa suso naman ang pinaka pangkaraniwang uri ng kanser sa mga kababaihan. Sa katunayan, tatlo sa bawat 100 na Pilipina ang masusuri na mayroong breast cancer sa kanilang buhay. Inilaan ang buwan ng Oktubre bilang Breast Cancer Awareness Month upang magbigay kamalayan sa sakit na ito at bigyang diin ang kahalagahan ng regular na self-breast examination at screening sa espesyalista para sa maagang deteksyon at agarang paggagamot. “There is a CAN in cancer because you can beat it!”

Facebook Twitter LinkedIn Pinterest

VIVA LA VIRGEN!Ang Fluvial Procession sa Naga River ay ang tulong-tulong na paghila ng pinagkabit-kabit na maliliit na bangka sa pagoda ng imahe ni Inang Peñafrancia, ang Patron ng Bikolandia, ng mga debotong nananalangin at nagpapanata. Nagsimula ang debosyon sa Inang Penafrancia noon pang 1710 nang dahil kay Miguel Robles de Covarrubias, anak ng isang opisyal ng Espana. Nang nagkasakit ito, nanalangin ang kanilang pamilya sa Birhen ng Penafrancia at nangakong kapag ito ay gumaling, magpapagawa sila ng dambana (shrine). Gumaling si Covarrubias at naging isang pari sa Naga City. Ang tradisyon ng Traslacion at Fluvial Procession naman ay nagsimula noong September 1, 1864 nang ginawang institusyunal ang selebrasyon ng mga prosisyon na ito ng simbahan sa tulong ni Bishop Francisco Gainza upang lalong mapalaganap ang debosyon sa Our Lady of Penafrancia. Happy Peñafrancia Festival Bicolandia!

Facebook Twitter LinkedIn Pinterest