Day: August 1, 2022

PASASALAMAT AT PAGPUPUGAY— Ito ang naging tema ng pagtitipon ng AGRI Party-list at ng mga miyembro ng Farmers and Irrigators Association kaninang hapon sa Brgy. Ipilan-Alitao, Tayabas, Quezon. Kasama ang pamilya ni Cong. Wilbert Lee, ipinaabot ng AGRI ang kanilang taos-pusong pasasalamat sa yumaong kasamahan na si Tiyo Cecilio Dalit at sa kanyang pamilya. Si Tiyo Cecilio at ang buong Farmers and Irrigators Association ay walang pagod sa pagtulong sa AGRI at kay Cong. Lee sa kampanya para sa pagpapaunlad ng agrikultura. Nasa 120 magsasaka ang nakiisa sa programa kung saan ibinahagi ng mga kawani mula sa Bureau of Plant Industry ang mga makabagong paraan sa pagtatanim na makatutulong sa kanilang kabuhayan.

Facebook Twitter LinkedIn Pinterest

Nagpaabot ng kanyang pakikiramay si AGRI Party-list Rep. Wilbert T. Lee sa pamilya ng mga nasawi sa malakas na lindol sa Hilagang Luzon noong Hulyo 27. Dalangin niyang mailayo sa peligro ang mga kababayan natin sa apektadong lugar, at agarang mapanumbalik ang kanilang normal na pamumuhay. Lubos din ang kanyang pasasalamat sa mga patuloy na tumutulong upang mabilis na makabangon ang mga kababayan nating labis na naapektuhan ng sakuna.

Facebook Twitter LinkedIn Pinterest

Nakiisa ang AGRI Party-list at si Cong. Wilbert Lee sa pagdiriwang ng 19th anniversary ng Livelihood Education and Rehabilitation Center (LERC) ngayong araw (Hulyo 29). Sa loob ng halos dalawang dekada, walang pagod na isinusulong ng LERC ang mga programa para sa kabuhayan, edukasyon, kalusugan at iba pang mga serbisyo para sa Persons with Disabilities (PWDs). Sa kanyang mensahe, ipinaabot ni Cong. Wilbert Lee ang kanyang lubos na paghanga at pagsaludo sa lahat ng bumubuo ng LERC. Sa kabila ng kapansanan at mabibigat na pagsubok dahil sa kanilang sitwasyon, buong loob at buong puso silang nagsusumikap para makatulong, magbigay ng lakas at inspirasyon hindi lamang sa mga may kapansanan, kundi sa marami pa nating kababayan.

Facebook Twitter LinkedIn Pinterest

Happy Sunday, mga Ka-AGRI!Kami po ay nalulugod na makatulong sa ating mga kababayan. Salamat po Councilor Maria Maganda Espinosa Lañada sa pakikiisa sa AGRI Party-list. Nanay Agapita Valenzuela is one of Ka-AGRI wheelchair beneficiaries from Brgy Planza, San Fernando.

Facebook Twitter LinkedIn Pinterest

Nakikidalamhati ang AGRI Party-list at si Cong. Wilbert Lee sa pagpanaw ni dating Pangulong Fidel V. Ramos. Sa ilalim ng kanyang administrasyon, isinulong niya ang sustainable development at pagbibigay-lakas sa manggagawa sa sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng mga programang Grains Productivity Enhancement Program, Gintong Ani at Key Commercial Crops Program. Pagpupugay at pasasalamat sa isang magiting na sundalo, lingkod-bayan, Pangulo, Pilipino.

Facebook Twitter LinkedIn Pinterest