Month: August 2022

Pinangunahan ni AGRICong. Wilbert Lee ang pamamahagi ng fingerlings at vegetable seeds sa Sto. Domingo, Albay kahapon.Bahagi ito ng inisyatiba ng Youth AGRI – Sto. Domingo Chapter para matulungang kumita ang kanilang mga miyembro. Ganito rin ang layunin ng ating House Bill No. 1297 o ang pagtuturo ng kasanayan sa mga mga-aaral para makaambag sa pagpapaunlad ng agrikultura.

Facebook Twitter LinkedIn Pinterest

Sa pagtutulungan ng AGRI Party-list, Angat Taytay at asosasyon ng mga residente ng Sitio Igiban, Taytay, Rizal, naging matagumpay ang ginanap na libreng serbisyong medikal sa komunidad. Tuloy-tuloy lang po tayo sa AGRIsibong aksyon para sa kalusugan at kapakanan ng mamamayan.

Facebook Twitter LinkedIn Pinterest

Kahapon, August 10, nakiisa ang Youth AGRI – Sto. Domingo Chapter sa Brigada Eskwela 2022 Program ng Sto. Domingo Central School sa probinsya ng Albay.Bilang tugon sa temang “Brigada Eskwela: Tugon sa Hamon ng Ligtas na Balik-Aral”, boluntaryong nakiisa ang mga myembrong youth leaders sa paglilinis at paghahanda ng pampublikong paaralan para sa darating na pasukan. Ang kanilang partisipasyon ay bilang pagtugon sa paniniwala na bahagi ang pagsisilbi sa kanilang responsibilidad sa komunidad; pagsiguro sa malinis at ligtas na kapalibutan ng paaralan, at para na rin sa pagpapataas ng moral ng mga guro at ng mga mag-aaral.

Facebook Twitter LinkedIn Pinterest